Thursday, September 10, 2009

Ka Erdy, Dakilang Nilalang

Ang opinyong ito ay isinulat ni Amado Makasaet sa pahayagang Abante, na may petsang September 8, 2009. Ang ilang mga salita ay sadyang binigyang diin para sa ikaliliwanag.

Marami ang paraan ng pananampalataya sa Dakilang Ama. Kaya marami rin ang relihiyon. Para sa akin tamang lahat ang iba't ibang paraan kung ang sinasamba at kinikilalang Panginoon ay iisa, ang Diyos Ama.

Ang Iglesia ni Cristo na pinundar ni Felix Manalo, ama ng yumaong Ka Erdy, ay naiiba sa lahat ng relihiyon o sekta. Unang katangian ng INC ay ang pagkakaisa ng mga miyembro nito. Kahit sa botohan sa halalan, si Ka Erdy lamang ang pumipili. Siya ang nasusunod.

Ikalawa at para sa akin ay pinamahalaga sa lahat ay ang pagkilala ng mga miyembro ng INC sa kadakilaan ng trabaho o hanap-buhay.

Bawal sa kanila ang sumama sa union ng isang kumpanya. Dinadakila nila ang araw ng pananalangin na tinatawag nilang pagsamba. Ang trabaho o hanap-buhay ay pangalawang relihiyon ng Iglesia ni Cristo.

Kaya naman ang hinahanap ng mga may-ari ng malalaking kumpanya na nangangailangan ng maraming tao ay mga miyembro ng INC. Hindi sila gumagawa ng gulo dahil nga sa kanilang paniniwala, sa aking pagkaalam, ay maka-Diyos ang pagtatrabaho ng buong sipag at katapatan.

'Di tulad ng mga pinuno ng Simbahang Katoliko, hindi malimit magsalita sa publiko si Ka Erdy. Bilang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo, sinusunod siya ng lahat ng mga miyembro niya dahil sa maraming halimbawa na ipinapakita niya sa kapwa Iglesia.

Para sa kanya ang pananalangin sa Dakilang Ama ay ipinapakita sa maraming paraan ng mabuti gawa. Hindi sa salita. Iyan ang isang dahilan kung bakit gan'un na lang katindi ang pagkakaisa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Isa sa palatandaan ng pagkakaisa nila ay ang kanilang simbahan. Lahat ng simbahan nila ay magkakamukha. Iisa a gn disenyo. "Di tulad ng mga simbahan ng mga Katoliko. Iba-iba ang pagkakayari. Ito ay pagpapakita sa lahat ng Katoliko na wala silang pagkakaisa.

Isa pang patunay sa pagkakaisa ng mga Iglesia ni Cristo ay ang pagkalungkot nila sa pagkamatay ni Ka Erdy. Marami ang lumuha. Aabot sa milyon ang bilang ng dumalaw sa kaniyang lamay. Buhat sila sa lahat ng bahagi ng bansa. Kahit naghihirap ay pinilit nilang makaluwas ng Maynila para makiramay at ipakita ang pagtangis sa pagkamatay ni Ka Erdy.

Kaya naman bilang paggalang sa kadakilaan ni Ka Erdy at pakikiramay sa kanyang pagkamatay, idineklara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na non-working holiday ang araw ng kaniyang libing kahapon, araw ng Lunes.

Nagpakilala rin s Lucio Tan sa kadakilaan ni Ka Erdy. Iniutos niya na bigyan ng malaking diskwento sa tiket ng PAL ang mga INC na makikipaglibing ang mga INC na makikipaglibing kay Ka Erdy.

Bilang patunay sa sinasabi kong 'to, walang matatawag na Catholic vote sa Pilipinas bagaman halos 90 porsyento ng lahat ng Pilipino ay Katoliko ang relihiyon. Ito ay palatandaan ng di pagkakaisa ng mga Katoliko.

Hindi naman ang ibig sabihin nito ay lahat ng INC ay halos santong maituturing. Meron din silang nililigaw ng landas. May ahas sa lahat ng gubat. Pero mas maraming ahas sa mga Katoliko di lamang dahil sa sila ang nakararami.

Ang matinding dahilan ay walang maipakitang magandang halimbawa sa buhay ang mga lider ng Catholic Church.

Laganap ang kahirapan pero patuloy ang pagpapadala ng pera sa Roma. Ang kontribusyon ng mga INC ay ginagamit ni Ka Erdy para sa kaniyang milyong mga kapatid.

Ang isa sa pinakamalaking gastos ay ang patuloy na pagawa ng simbahan. Para kay Ka Erdy, ang negosyo at relihiyon ay magkaaway. Kaya, sa nalalaman ko, walang malaking negosyo ang Iglesia ni Cristo.

Ang Roman Catholic Church sa Pilipinas ay mayaman. Malaki ang kanilang negosyo. Malaki ang pag-aari ni la sa Bank of the Philippine Islands. Ang mga rekoletos ay malaki ang puhunan sa San Miguel Corp.

Wednesday, July 29, 2009

A View of an INC Observer

Minarapat ko po na sa halip na sa akin manggaling ang obserbasyon ay hayaan ninyo sa mga hindi namin kapananampalataya magmula.

Ito po ay sinulat ni Raymond Burgos sa Abante na may petsang Hulyo 26, 2009.

...


Ang ikalawang malaking pagdiriwang bukas ay ang anibersaryo ng isa sa pinamalaki at pinakamaimpluwensiyang relihiyon sa bansa at iyan ay ang Iglesia ni Cristo na nasa Commonwealth rin matatagpuan ang Central Headquarters nito.

Malaking pagdiriwang ng INC ang makikita ng mga kababayan natin bukas na ayon sa mga kaibigan nating kasapi ng INC, ika-95 taong anibersaryo na pala ng pagkakatatag muli ng relihiyong ito dito sa Pilipinas.

Sinabi kong muli dahil sa naniniwala ang mga taga-INC na ang pag-usbong ng relihiyong ito sa Pilipinas ay karugtong o pagpapatuloy ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ayoko nang palawigin pa ang bagay na ispiritwal nilang pinaniniwalaan dahil sa kahit ano namang usaping relihiyon, mauuwi at mauuwi sa debatehan at pagtatalo. Sapat na ang sabihing, kakaiba ang Lunes na ating matutunghayan sa pagdiriwang ng mga kababayan nating kasapi ng relihiyong ito.

Isa na marahil ang INC sa may pinakamahigpit na disiplina sa mga miyembro na base na rin sa mga itinatagubilin ng Banal na Kasulatan na siyang pangunahing batayan ng relihiyon ng INC.

Sa Central pa lamang ay makikita mo ang kakaibang kilos dito na naroon ang taal ng paggalang at pagsunod sa tuntunin. Hindi mo naman iisipin tila mga robot na sumusunod ang mga kasapi nito sa anumang disiplina o tuntuning meron sila dahil sa mga katotohanan nito, kahanga-hanga nga ang pamamaraan ng liderator nila para mapasunod ang kanilang mga kasapi.

Kung kaisahan din lang ang pag-uusapan, wala na sigurong tatapat pa sa relihiyon ng INC dahil alam ba ninyo, kung sa ating nagtatangka ng kaisahan, ang tingin dito, lalo na sa panahon ng ng eleksyon, ito ay isang aktong pampulitika o ginagawa ayon sa kamalayang pampulitikal.

Para pa rin sa kapakanan ng mga kasapi ng INC ang pagkakaisang bunsod ng kanilang pagsunod sa kanilang doktrina. Ibig sabihin -- ang pinipintasan ng marami na kaisahan nila sa panahon ng eleksyon -- ito pala ay bahagi rin ng kanilang pananampalataya.

Mahirap nga sigurong unawain pero maniwala man kayo o hindi sa batayan nito o sa pagsasabing ito ay batay sa utos ng Diyos sa Bibliya, nandon ang katotohanan na ito ay isang bagay na gustong ipakita ng ibang grupo ng relihiyon pero hindi naman magawa at makamit. Hindi naman sa nagkukumpara ng relihiyon, pero sa Katoliko nga, sino ang makapagsasabing kaya nilang bumoto ng may kaisahan alang-alang sa pananampalataya?

At bago makaisip ang iba riyan na ito ay piyesa na nagtataas sa relihiyon ng INC -- putulin na agad. Obserbasyon lamang ito ng isang matagal ng nagmamasid na tulad ko.

Minsan nga ay hindi ko naiibigan o nauunawaan ang mga dahilan ng mga pinipiling kandidato ng INC at isa na ako sa bumatikos dito sa paniniwalang ito ay tahasang pakikialam sa kalayaan ng mamamayan na iboto ang kaniyang napupusuang kandidato.

Pero hindi ko maikaila ang mga bagay na alam naman ng marami. Ang kapangyarihan at impluwensiya ng INC sa Pilipinas at maging sa ibang bansa man ay dahil sa kahanga-hangang pananatili sa napakahabang panahon na ng kaisahan sa kanilang hanay lalung-lalo na sa panahon ng halalan.

Sa mga kapwa nating Pilipino na kasapi ng INC -- hayaan ninyong sa araw ng inyong pagdiriwang ay tawagin ko kayong "kapatid". Maligayang pagdiriwang sa inyong ika-95 anibersaryo.

Tuesday, June 23, 2009

HOT PLATE (mainit-init pa)

Martes, alas tres ng hapon, nangangamoy antayan na namman. Pero ang pag- hihintay na 'to ay hindi nakakainip. Nasa-id (pinaghiwalay ko lang yung pantig kasi baka basahin mo ng diretso), uulitin ko, nasa-id na namin ang laman queue(hindi ko kayang tagalugin yan). Ang 'queue' ay ang katawagan sa imbakan ng ginagawa namin sa opisina. Ang lalim ng termino diba? Hindi ko nga alam kung bakit napakaraming katinig ng salitang "queue" inulit pa ng dalawang beses ang "u" at "e", pero ang basa pa rin dun ay "queue". Pwede rin na hindi na lagyan ng mga katinig at halos pareho pa rin ang kalalabasan, "q".

Pero balik tayo sa paksa ng kathang ito, kung meron man. Bakit nga ba hindi nakakainip ang mag-hintay kapag wala ng laman ang queue? Dahil marami akong ibang pwedeng magawa. Isa-isahin natin...

- Pwede kong i-email ang mga kaibigan ko (kung meron man)
- Pwede kong i-edit ang mga litrato na kinolekta ko at pagkatapos ay i- gogroup mail ko
- Pwede akong mag-laro ng solitaryo, tonghits, pares-pares, at ungoy-unguyan sa kompyuter
- At ako naman bilang pampalipas oras, naisapan kong dag-dagan ang laman ang blog ko kasi mukhang nilalangaw na dahil hindi ko na-uupdate ng dalawang oras.

At habang ginagawa mo ang mga bagay na 'to, pwedeng kang pumunta sa paminggalan para kumuha ng kape, juice, o kaya mineral water. Kaya, nakakainip diba? Sana lang 'wag ng mabasa 'to ng CEO ng company namin kasi kapag nalaman niya, sibak kami, ako lang pala. Pero tingin ko hindi mangyayari yun. Nakabase yun sa US eh, purong kano at hindi nakakaintindi ng tagalog kaya kahit sabihin mong "Ang liit mong magpasweldo", hindi yun magrereklamo.

Minsan dumarating talaga sa buhay ng tao na kailangan niyang mag-hintay. Maghintay, maghintay, maghintay. Nasabi nga ni Bugs Bunny ang mga katagang ito,

"I like DEAD END signs. I think they're kind. They at least have the decency to let you know that you're going nowhere."

May punto si kaibigang Bugs diba? Pero minsan naisip ko, sana hindi ko makita ang "dead end" sign na yun. Kasi paniniwala ko, "walang dead" at "walang end" ang pagmamahal ko sa'yo. Naks!!!

P.S. Bakit nga ba HOT PLATE ang pamagat ng kathang 'to? Wala lang. Kasi kaninang umaga naalala ko yung first time kung kumain sa food court. Apat na taon na yata ang nakalilipas mula noon. Umorder ang utol ko ng sizzling sisig na nasa hot plate. Sa sobrang gutom at excite ko, hinawakan ko yung hotplate. Hindi ko alam kung na hot yun eh. Yun pala ay hinahawakan sa kahoy na pinagpapatungan nun. At ang mga kasunod na pangyayari ay hindi ko na babanggitin....

Sunday, April 12, 2009

Anong Meron Dito?

Di ko alam kung anong nagbunsod sa akin para pumasok sa mundo ng blogging. Makulit lang itong ka-officemate ko na itago na lang natin sa pangalang 'barney' na siyang nagsabing "magblog ka na tsong". ...

.....................................................................................................................................................................

Leave ako ngayon, kaya kahit papano eh nadag-dagan ng kunti ang laman nitong blog na 'to. Kasagsagan at kainitan pa ng pagpapabasak ni Pacman kay Hitman kaya dinownload ko ang mga videos niya sabay upload naman dito sa site na ito. Kaniya-kaniyang style yan para may magbukas ng blog ko. Sayang nga naman kung gagawa ka ng blog tapos ikaw lang bumibisita. Gamitan lang yan. :>

Marami sa mga bloggers, ginagawang paraan itong pagboblog para ... hindi ko alam eh. Post niyo na lang sa comments mga ka-blog kung bakit kayo nandito.

Pero para sa inyong lingkod, na trying hard sa ganitong bagong libangan... tingin ko ay isang magandang paraan ito para matupad yung isa kung pangarap. Ang maging writer. Ah, hindi ba tayo pwedeng magsulat ng gamit ang ballpen at papel? Pwede rin. Kaya lang mas sana'y na itong mga daliri ko sa pag-tipa ng keyboard kasi halos araw-araw ko na 'tong ginagawa. Medyo magastos nga lang itong ganitong libangan.

- kailangan ng kompyuter para makapag-blog
- may internet connection ka dapat para maipost mo ang blog mo
- may nakahanda kang pera para ipambili ng salamin kung lumabo na mata mo dahil sa kakatutok sa monitor

Medyo nakakapanghinayang lang talaga, kasi hindi unlimited ang internet connection ko sa bahay kaya kung may free time lang ako sa office nakakapagblog.