Tuesday, June 23, 2009

HOT PLATE (mainit-init pa)

Martes, alas tres ng hapon, nangangamoy antayan na namman. Pero ang pag- hihintay na 'to ay hindi nakakainip. Nasa-id (pinaghiwalay ko lang yung pantig kasi baka basahin mo ng diretso), uulitin ko, nasa-id na namin ang laman queue(hindi ko kayang tagalugin yan). Ang 'queue' ay ang katawagan sa imbakan ng ginagawa namin sa opisina. Ang lalim ng termino diba? Hindi ko nga alam kung bakit napakaraming katinig ng salitang "queue" inulit pa ng dalawang beses ang "u" at "e", pero ang basa pa rin dun ay "queue". Pwede rin na hindi na lagyan ng mga katinig at halos pareho pa rin ang kalalabasan, "q".

Pero balik tayo sa paksa ng kathang ito, kung meron man. Bakit nga ba hindi nakakainip ang mag-hintay kapag wala ng laman ang queue? Dahil marami akong ibang pwedeng magawa. Isa-isahin natin...

- Pwede kong i-email ang mga kaibigan ko (kung meron man)
- Pwede kong i-edit ang mga litrato na kinolekta ko at pagkatapos ay i- gogroup mail ko
- Pwede akong mag-laro ng solitaryo, tonghits, pares-pares, at ungoy-unguyan sa kompyuter
- At ako naman bilang pampalipas oras, naisapan kong dag-dagan ang laman ang blog ko kasi mukhang nilalangaw na dahil hindi ko na-uupdate ng dalawang oras.

At habang ginagawa mo ang mga bagay na 'to, pwedeng kang pumunta sa paminggalan para kumuha ng kape, juice, o kaya mineral water. Kaya, nakakainip diba? Sana lang 'wag ng mabasa 'to ng CEO ng company namin kasi kapag nalaman niya, sibak kami, ako lang pala. Pero tingin ko hindi mangyayari yun. Nakabase yun sa US eh, purong kano at hindi nakakaintindi ng tagalog kaya kahit sabihin mong "Ang liit mong magpasweldo", hindi yun magrereklamo.

Minsan dumarating talaga sa buhay ng tao na kailangan niyang mag-hintay. Maghintay, maghintay, maghintay. Nasabi nga ni Bugs Bunny ang mga katagang ito,

"I like DEAD END signs. I think they're kind. They at least have the decency to let you know that you're going nowhere."

May punto si kaibigang Bugs diba? Pero minsan naisip ko, sana hindi ko makita ang "dead end" sign na yun. Kasi paniniwala ko, "walang dead" at "walang end" ang pagmamahal ko sa'yo. Naks!!!

P.S. Bakit nga ba HOT PLATE ang pamagat ng kathang 'to? Wala lang. Kasi kaninang umaga naalala ko yung first time kung kumain sa food court. Apat na taon na yata ang nakalilipas mula noon. Umorder ang utol ko ng sizzling sisig na nasa hot plate. Sa sobrang gutom at excite ko, hinawakan ko yung hotplate. Hindi ko alam kung na hot yun eh. Yun pala ay hinahawakan sa kahoy na pinagpapatungan nun. At ang mga kasunod na pangyayari ay hindi ko na babanggitin....

4 comments:

  1. parang timang lang caps uh.. meron bang tong its sa computer? wala naman uh. imbento ka. lols

    pwedeng pwede yung pag eedit ng picture haha..

    at yung katangahan mo sa sizzling plate? panigurado nabitawan mo yung kumukulong plato, binitin mo pa uh.. haha

    ReplyDelete
  2. Ako po si Anne Catherine Gonatice ang number one na nag eedit sa may ari ng blog na ito..haha..

    ReplyDelete
  3. hahahaha wala lang, hahahahaha lang

    ReplyDelete
  4. @kheed

    parang tawang puyat lang ah... lol :>

    ReplyDelete